Skip to content

RUGBY BOY'S part3

noykix_153022
2009/02/19 05:12
At lumipas ang mga araw na ganun lagi ang aking nakikita, maghapong sumisinghot ng rugby. Ang nababago lang ay ang kanilang pagkain, minsan kasi, o madalas na hindi namin sila nakikitang kumakain. Sumasala sila sa pagkain, pero sa rugby ay hindi. Siguro naiisip nila na sa sampung piso nilang pera ay hindi sila mabubusog kung ibibili nila ng pagkain, kaya siguro rugby nalang ang kanilang binibili at hindi pagkain, para hindi nila maramdaman ang gutom. Halos araw-araw ko sila nakikita dahil doon lagi sila nagtatambay sa labas ng disco/bar, sa tapat ng site namin, at ganun lagi ang kanilang ginagawa . Hanggang sa dumating ang araw na last day na namin sa manila, patapos na kasi ang ginagawa namin. Nung umagang iyon nakita ko uli sila na nakatambay sa tapat ng site namin, at dating gawi, ginagawa na naman nilang almusal ang rugby, at makalipas ang tatlong oras ay dumating na ang iba at may kani-kaniya silang dalang rugby, maya-maya ay nagsinghutan na sila. At maya-maya pa ay may dumating na isang babae na may kasamang batang lalake na sa tingin ko ay anim na taon pa lang ang edad. Kwentuhan, tawanan, singhutan ng rugby ang kanilang ginagawa, at yung bata naman ay abala sa paglalaro. Maya-maya aylumapit na ang bata sa kaniyang kasamang babae kanina, na sa tingin ko ay kaniyang ina, at umupo ang bata sa harap ng kaniyang ina, at pagkatapos ay kumandong. Tinitingnan ko yung bata habang tawa ng tawa, kinikiliti kasi siya ng kaniyang ina, nakita ko sa kaniyang mukha na para bang walang problema. "haayy ang mga bata nga naman" nasabi ko sa sarili ko habang tinitingnan ko siya. Nagulat ako ng biglang inabot ng kaniyang ina ang hawak niyang rugby na nasa bote, at kinuha naman ito nung bata at sininghot, "nagru-rugby din pala yung bata" sabi ko sa sarili ko habang umiiling ako. Matagal din na sumisinghot ang bata, maya-maya ay tumayo ang kaniyang ina at sumasayaw habang lumalapit sa nakatayong matandang lalake, na kanila din kasama, at ng makalapit siya, hinawakan niya sa balikat ang matanda habang gumigiling, habang ang kaniyang mga kasama ay nagtatawanan, at yung bata naman ay pinapanood niya ang kaniyang inang gumigiling habang sumisinghot ng rugby. At nakita ko ang mukha nung bata na parang lasing, namumungay at mapula ang kaniyang mga mata, umiiling nalang kami ng mga kasama ko. At dumating na ang gabing pauwi na kami dito sa laoag, bago kami umalis ay bumili muna ako ng chewing gum sa tabi ng site namin, at tinanong ko yung tindera kung kilala niya yung mga nagru-rugby sa tapat ng site namin. "Oo kilala ko yung mga yun, isang pamilya sila, halos nagru-rugby na ata silang lahat, may sarili silang bahay d'yan, malapit lang dito pero sa gabi lang sila umuuwi dahil sa araw ay mas gusto nila ang nasa kalye dahil ang katuwiran nila pag nasa bahay lang daw sila ay hindi sila magkaka-pera, may kamag-anak sila na nasa abroad pero ewan ko kung bakit pinabayaan na sila." Tumango-tango nalang ako sa sinabi nung tindera, at umalis na ako, naghihintay na kasi sa akin yung mga kasama ko. Ngayon ay nandito na ako sa laoag, pero hindi ko pa rin sila makalimutan. Sana makasumpong sila ng awa mula sa Panginoon at makaahon sa pagkakalubog mula sa kumunoy, at magbagong buhay. Wakas...
Comments (0)
Login or register to comment.

No comments yet. Be the first to comment!


All Blogs
noykix_153022's Profile
Home